Christmas Holiday Vacation Experience


 


Masayang karanasan, kailanaman di matatawaran

    Christmas Break, araw kung saan ang lahat ng mga estudyante ay inaabangan nito. Bakit nga ba ito pinakaaabangan? Dahil dito, nakakapagpahinga ang mga mag-aaral sa kanilang akademiko, dito mas naeenjoy nila ang kanilang mga bakasyon kung saan bawat estudyante ay may kanya kanyang pinagkakaabalahan. Tulad na lamang ng pagbabasa ng mga libro, panonood ng mga neflix series, at mga outdoor activities tulad ng hiking, jogging at iba pang mga active recreation festivities. Mayroon din namang mga estudyante na "non chalant" kung tawagin o di masyadong lumalabas sa bahay o gumagala, ang ginagawa lamang nila sa kanilang bahay ay matulog, gumawa ng mga gawaing bahay, manood ng TV, at walang kataposang cellphone magdamag kung sila ay naglalaro ng mga ibat ibang online games o kaya naman nanonod sa tiktok. Diba? Sino ba naman ang estudyanteng ma eexcite sa ganitong karanasan hika nga nila


    Dumako naman tayo sa aking mismong sariling karanasan sa christmas break, at ako personal kung ibinabahagi na ako ay kabilang mismo sa team "nonchalant", wala naman akong ibang inatupag kundi yung 4 na salita lamang at yun ay ang, matulog, kumain, magcellphone, at gumawa ng gawaing bahay. Ngunit, hindi naman araw-araw ay dito na umiikot ang aking buhay, tuwing gabi naman ay pumupunta kami sa may patayan upang maki bingo at magpuyatan, mayroong din araw na pumunta kami sa bahay ng aking mga lolo, lola, pinsan, tito, at tita upang mamasyal, kumumusta, at syempre ay doon na din mamasko ng pang aginaldo upang mayroong pambili ng mga gustong bagay na ikakasaya natin. Nitong nakaraang new year naman, dito nagaganap kung saan ang aking mga pamilya ay nagtutulong-tulong sa paghahanda ng mega noche bilang handa sa darating na barong taon, dito ang aking mga pamilya ay masayang nagkakantahan, nagkuwekuwentuhan, at syempre di makokompleto ang kasiyan kung walang inuman. Habang kami namang mga magpipinsan ay nakikilaro sa mga inihandang games ng aming pamilya, kung saan ang mananalo ay makakatanggap ng regalo o di kaya naman cash prize. At pagdating naman ng alas dose ng hating gabi, ang aking pamilaya nagsisilabasan na upang magtatatalon, mag-turotot, magsindi ng paputok, magbusina ng sasakyan, at kung ano pang ginagawa nila upang makalikha lamang ng ingay. Pagkatapos nito, sabay-sabay na kaming pumasok sa loob at walang ibang ginawa kundi lantakin ang mga inihandang pagkain. Sunday nito, ay kanya-kanyan nang magsisibalik ang bawat pamilya sa kanilang mga sariling inihandang silid. Kinabukasan naman ay naghahanda ulit ang aking pamilya para pumunta sa dagat upang maligo, at doon ay walang ibang ginawa kundi magsaya at mag-enjoy.

    Iyan lamang ang aking mga ginawa habang ako ay nagbabakasyon. Tunay na ang Christmas Break ay pinakahihintay na araw ng mga istudyante, dahil dito nararamdaman nila ang tunay na diwa at kasayahan ng pasko at bagong taon. Ngunit, ang oras siyang napakahalaga. Sapagkat, nagiging mabilis ito kung ikaw ay nageenjoy at nasisiyahan sa iyong ginagawa. Kaya naman ang bawat oras at araw ay ating namnamin at langhapin habang hindi pa nauubos ang oras natin. Hika nga nila, time is gold kaya napakahalaga ang oras, gugulin natin ang lahat ng oras na ito kasama ang ating mga pamilya, bago pa tuluyang kalawangin ang ginto.

References:

Comments

Popular posts from this blog

Green Starts Young: Empowering Communities for a Sustainable Future

Navigating and Overcoming Challenges: My First Quarter Reflection

My Life, My Goal, My Future!