Bagong Taon, Bagong simula, At Bagong Pag-asa
Magbabago nako! Iyan ang salitang kalimitan ay aking napapakinggan tuwing bawat pagsabitng bagong kalendaryong aking nasisilayan. Bagong taon na naman, ngayun ay 2025 na, angbills ng panahon diba? "Bawat taon, bagong pagsisimula" hika nga nila, Maraming taonghangad ay pagbabago at pag-unlad sa kanilang katauhan, bawat tao ay nais na magpalit nganyo upang talikuran ang nakaraan at harapin ang kasalukuyan. Bawat tao ay may kanyakanyang pinagdadaanang proseso, para lamang itong isang uri ng pagluluto, kailangang natinmahanap ang tunay na sangkap at timpla ng ating luto, upang mas maging malinamnam atmalanghap ang sariwang hapunan. Katulad din ito sa ating buhay na gustong magbago atumunlad, kinakailangan muna nating mahanap ang tamang sangkap at timpla ng atingpagkatao upang sa ganun ay makamit natin ang inaasam asam na kasariwaan at kapayapaanng buhay. Ngayong bagong taon hangad ng madaming tao na palitan ang kanilang nagingmasamang katangian upang sa ganun ay magkaroon ng magandang kapalaran. Dahil sakagustuhang ito, matuto silang makipagsapalaran at makipag-ibayo sa reyalidad ng buhay.Habang binabaybay nila ang prosesong ito, isang araw masasalamuha nila ang hika nga na "The Best Version Of Yourself".
Ngunit, para sakin ano ba yung pagbabago na nais kong makamtan ngayung taon na ito? Sadami kong pinagdaanan na mga pagsubok at kasawian ng aking buhay nung huling taon,masasabi kong kinakailangan kupa talagang magbago at matuto upang magnilayan ang lahatng mga problemang ito. Para sa akin, madami pa akong kailangang baguhin sa aking sariliupang sa ganun balang araw ay makakamit ko din ang pinakamagandang anyo ng aking sarili.Uunahin kuna dito ay ang uri ng aking pagdedesisyon, ngayung taon pipilitin kong hindi namagpapasya ng padalus-dalus, bagkus uunawain ko muna ang isang sitwasyon o kondisyonupang mapagnilayan at magbunga sa isang maganda at mabuting desisyon. I susunod ko ditoay ang uri ng aking pag-iisip o mindset, pipilitin kong mas magiging matured sa pakikiharap kosa mga problema at pagsubok sa aking buhay. Pipiliin kung mas maging kalmado sa lahat ngsitwasyon upang maharap ko ito ng mas mabuti at maganda. Pipiliin ko na din na mas magingdisiplinado at consistent sa lahat ng ginagawa ko, tulad ng pag-aaral, time management,pakikisali sa mga active recreation activities, at mga extra curricular activities ko sa paaralan. Atang panghuli kong gustong paunladin, ay ang pagfofocus ko sa aking pag-aaral. Pagdating ng senior high, gusto kong ibuhos lahat ng aking oras doon. Upang sa ganun ay makamit kuna angaking inaasam asam na "overall with high honor" title.Ngayong bagon taon na ito, madami talagang mga tao ang gustong magbago, at kabilang naako don. Ngunit, ang pagbabago ay hindi pangmadalian lamang na gusto mong makamtan naagad. Sapagkat, nangangailangan ito ng matindi at pangmatagalang proseso. At ang pinakaimportante sa lahat ay ang pagkakaroon mo ng mga mahahalagang sa sangkap, tungo sa sapagkamit ng tunay na pagbabago. At natuklasan ko sa aking sarili, ang mahalagang sangkapna aking kinakailangan ay ang dalawang salita lamang, ito ay ang "disiplina" at "consistency".Ito ang sangkap na siyang magdadala ng lasa at linamnam sa tunay na pagbabago sa akingsarili. Kaya ikaw, kung naghahangad kadin na magbago at makamit ang pinakamagandangversion ng iyong sarli. Hanapin mo muna ang dalawang susi ng sangkap sa iyong niluluto,kapag nahanap mo na ito, sundin mo ito ng buong puso at panindigan mo. Tiyak na kapag lahatng mga tao ay natagpuan na ang mga tamang sangkap at nagawa ito sa tamang proseso.Tunay na hindi ka magsisi, sapaagkat sa huli ay mayroong kang maihahandang putahe napunong-puno ng sariwa, kapayapaan, at maunlad na pangmatagalang kabuhayan.
Reference:
Comments
Post a Comment